-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Justice ang pagkakatalaga kay Office in Charge Undersecretary Fredderick Vida bilang ‘acting secretary’ ng kagawaran.
Ito mismo ang kumpirmasyon ibinahagi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez ngayong araw sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo.
Sa ibinahaging dokumento ng tagapagsalita, mababasa ang ‘appointment’ kay Undersecretary Vida bilang ‘acting justice secretary’.
Ito’y mula mismo sa palasyo ng Malacanang na may lagda pa ng kasalukuyang pangulo na si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ibig sabihin, mula sa pagiging officer in charge ng kagawaran, siya’y itinalaga na bilang justice acting secretary.














