-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na walang katotohanan ang agam-agam na nag-expire o nagpaso na ang mga bakuna na gingamit ng gobyerno sa pagbabakuna para sa booster.

Paglilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi expired ang mga covid-19 vaccines na ginagamit para sa booster shots dahil may extended shelf life ang mga ito.

Paliwanag pa ni Vergeire na nakikipag-ugnayan sila sa Food and Drugs Adminsitration (FDA) kapag may mga bakuna na malapit ng mag-expire upang maicoordinate ito sa manufacturers ng mga bakuna para matukoy kung maaari pang maextend ang shelf life ng covid-19 vaccines.

Saad pa ng DOH official na sumailalim sa stability study ang mga expiring vaccines kung saan dumadaan sa proseso na tumutukoy kung gaano katagal mapapanatili ang kalidad ng isang produkto sa lifespan nito.

Binigyang diin din ni Vergeire na may ilang vials na may extended shelf life ang hindi nalagyan ng maayos na label at nakalagay pa rin ang nakatakdang expiration date.

Aniya, hindi na maibabalik ng gobyerno ang vaccine vials sa manufacturers dahil ilan sa kanila ay huminto ng gumawa ng mga bakuna.

Sa halip, nagbibigay ang gobyerno ng extended shelf life certificates sa sites para maipakita sa mga vaccinees.

Sa latest data ng DOH, nasa mahigit 18 million Pilipino ang nakatanggap ng unang booster shot.

Top