
Nagpahayag ng pag-asa si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na umaasa siyang matatapos na ang estado ng public health emergency dahil sa COVID-19 sa susunod na taon.
Ginawa ng opisyal ng DOH ang pahayag matapos sabihin ng World Health Organization noong Miyerkules na umaasa sila na ang COVID-19 ay hindi na magiging pandaigdigang emergency sa kalusugan sa isang punto sa 2023 at hinimok din nito ang China na magbahagi ng impormasyon na maaaring matukoy kung paano ang pandemya nagsimula.
Aniya, ang DOH ay lubos na umaasa dito, at sa susunod na taon umano ay makita na ang pagbabago sa public health emergency sa ating bansa.
Kung aalalahanin, ang state of public health emergency sa Pilipinas ay idineklara noong buwan ng Marso taong 2020, ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng Proclamation 922, ang estado ng public health emergency ay mananatiling may bisa at epekto hanggang sa alisin o bawiin ng Pangulo.
Kasalukuyan ding nasa ilalim ng state of calamity ang bansa dahil sa coronavirus outbreak matapos itong palawigin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos hanggang Dcember 31, 2022.
Una rito, hnihiling ng DOH na maipasa ang panukalang magsisilbing batayan ng pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic kahit na matapos na ang deklarasyon ng state of calamity sa bansa.








