-- Advertisements --

Pinakakalma ng Malacañang ang mga health workerS sa Cebu na burnt-out na na sa trabaho dahil sa pagdami ng COVID-19 cases sa kanilang lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagsasagawa na ngayon ang Department of Health (DOH) ng emergency hiring para sa mga health workers.

Ayon kay Sec. Roque, “first priority” na ngayon ang Cebu kapag dumating na ang mga biniling personal protection equipment (PPEs), ventilators at iba pa.

Hindi na rin dapat na mag-alala ang mga health workers sa Cebu dahil may kaukulang kompensasyon ang lokal na pamahalaan.

Magdadagdag na rin ng pondo ang pamahalaan para sa mga contact tracers.

“Sa kakulangan po sa parehong pribado at pampublikong hospital, nagha-hire na po ang DOH. They have resorted to emergency hiring para po maibsan iyong kakulangan. Pagdating po sa PPE, ventilators, kung anong kinakailangan nila, first priority po ngayon ang Cebu,” ani Sec. Roque.