Mayroong ng pagbabago ang ginawa ng Department of Health (DOH) sa kanilang panuntunan sa mga quarantine at isolation periods ng mga bakunado, partially vaccinated at hindi pa bakunadong mga indibidwal na dinapuan o naging close-contact ng COVID-19 positive inidividual.
Ayon sa DOH na ang mga vaccinated na naging close-contact ng COVID-19 na pasyente ay gagawing limang araw na lamang ang quarantine days mula sa dating pitong araw.
Magiging 14 na araw naman sa mga partially vaccinated o unvaccinated individual na nakasalamuha ang mga taong nagpositibo sa COVID-19.
Magiging pitong araw na lamang mula sa dating 10 ang isolation periods ng mga fully vaccinated na individual na nagkaroon ng sintomas kahit na ito ay katamtaman lamang.
Habang hindi magbabago ng 10-araw pa rin sa mga partially vaccinated na nakasalamuha ang taong may COVID-19.
Para naman sa mga asymptomatic fully vaccinated persons na ang isolation time ay binawasan ng pitong araw mula ng matanggap nila ang positive result habang 10 araw naman sa mga dinapuan na mga partially immunized o hindi pa nabakunahang indibidwal.
Ang mga mayroong malubha o kritikal na kaso ay kailangan pa rin ng 21 araw na isolation kahit na sila man ay bakunado na.










