-- Advertisements --

Naglabas nang paglilinaw ang Department of Health (DOH) hinggil sa pahayagng isa sa mga miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) nila hinggil sa tagal ng bisa ng proteksyon na ibinibigay ng COVID-19 vaccines.

Sa isang statement, sinabi ng DOH na “taken out of context” ang naging pahayag ni VEP chairperson Nina Gloriani noong Agosto 16, kung saan sinabi nito na issue pa rin sa ngayon ang vaccine equity kaya walang dahilan para magmadali sa pagkuha ng COVID-19 booster shots.

Salungat sa mga kumakalat na posts sa social media, iginiit ng DOH na hindi binanggit ni Gloriani sa kung gaano tumatagal ang antibodies na ipinagkakaloob ng COVID-19 vaccines.

Ang ibig-sabihin anila ni Gloriani sa sinabi nito ay nagsisimulang bumaba ang antibodies sa katawan ng isang indibidwal na naturukan ng COVID-19 vaccine base na rin sa follow up mula sa mga participants sa clinical trials.

Iginiit din ng DOH na lahat ng COVID-19 vaccines na ginagamit sa ngayon sa ilalim ng nagpapatuloy na vaccination program ay salig sa Emergency Use Authorization.

Nangangahulugan ito na ang mga bakunang ito ay binigyan ng emergency approval base sa interim results ng nagpapatuloy na Phase III clinical trials.

Dahul aprubado ito sa ilalim ng EUA, at ang long-term follow-up studies sa trials na ito ay nagpapatuloy pa, ang datos sa duration ng immunity ay subject sa mga updates.

Kaya nga ang mga participants sa clinical trials ay mino-monitor ng isa hanggang dalawang taon para makakuha ng kumpletong clinical trial results.