Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa mapanlinlang na mga profile sa social media na mga “fake accounts” na iniuugnay kay Secretary Teodoro Herbosa.
Nais linawin ng DOH na hindi pagmamay-ari ni Secretary Herbosa ang alinman sa mga account na kumakalat online.
Idinagdag nito na ang anumang mga pahayag, komento, o transaksyon na nagmula sa mga account na ito ay hindi ineendorso ni Health Secretary Herbosa.
Kaugnay nito, hinimok ng DOH ang publiko na maging mapagbantay at umasa lamang sa impormasyon mula sa mga lehitimong mapagkukunan o sources tulad na lamang ng ating himpilan at mga social media accounts na Bombo Radyo Philippines.
Ang pag-access sa mga official update ay pinapayuhan din sa pamamagitan ng mga awtorisadong social media handle at link ng DOH.