Nangako ng agarang pagtugon ang Department of Health (DOH) sa kaakibat na responsibilidad ng kagawaran kasabay ng muling pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Metro Manila at iba pang lalawigan.
Sa isang statment sinabi ng DOH na magbibigay daan ang 15-araw na MECQ para mabawi ang mga nawala sa health care system mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.
“Many of tried to return the way things were. And it has taken its toll on our healthcare system. We must reopen our lives, but it will have to be more cautiously.”
Tatlong bagay ang ipinangako ng Health department na magiging prayoridad nila sa mga susunod araw: una ay ang pagpapatupad ng pinalakas na community-based active case finding at paghawak sa mga matutunton sa aktibong kaso.
Ito ay sa pamamagitan ng Coordinate Operations to Defeat Epidemic (CODE) Protocol, kung saan may mga magbabahay-bahay para isailalim sa RT-PCR test ang mga may sintomas na indibidwal sa komunidad at agad na pagta-transfer sa isolaton facilities o ospital ng mga magpo-positibo.
Pangalawa sa pangako ng DOH ang pakikipag-ugnayan sa medical at public health stakeholders para sa pagbuo ng bagong stratehiya.
Panghuli ay ang pagbuo ng substitution team na hahalili sa hanay ng bugbog nang health care workers.
Binigyang diin ng ahensya na malaki ang papel na ginagampanan ng medical frontliners sa pag-responde ng pandemic. Kaya naman mahalaga rin daw ang magiging tugon ng publiko para hindi lumala ang sitwasyon.
“We need our healthcare workers to take care of those who need to be cared for. So we need to take of our health care workers – who are the backbone of our pandemic response.”
Ipinaalala ng DOH na kailangang sundin ng publiko ngminimum health standards tulad ng paghuhugas ng kamay, physical distancing, pagsuot ng face mask at pag-iwas sa matataong lugar para makatulong sa COVID-19 response.
Nitong Sabado higit 80 medical groups ang kumalampag sa pamahalaan para bigyan ng “time out” ang kanilang hanay, lalo na sa National Capital Region.
Inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang meeting sa gabinete, ang rekomendasyon MECQ sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.










