-- Advertisements --

Inamin ng Department of Health (DOH) na “understated” ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa sa kabila ng napakaraming kaso kada araw, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

Sa isang congressional briefing, tinanong ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang DOH kung ang COVID-19 cases sa bansa ay “understated” bagay na kinumpirma naman ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman.

Pag-aamin ni De Guzman na hindi lamang sa Pilipinas nangyayari ito kundi kahit sa ibang mga bansa ay underreported rin aniya ang COVID-19 cases.

Sa ngayon, nanatili pa rin ang Pilipinas sa critical risk sa COVID-19 kahit pa ang growth rate ng infections ay bumagal na, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.