-- Advertisements --
Nag-isyu ng advisory ang Department of Health (DOH) laban sa kumakalat na arikulo kaugnay sa lunas umano para sa hypertension o high blood pressure.
Ayon sa DOH, ang naturang article ay hindi inaprubahan, affiliated o inirekomenda ng ahensiya at ng kanilang attached units.
Kayat hinikayat ng kagawaran ang publiko na tanging sa lehitimong sources lamang sumangguni ng mga impormasyon sa kalusugan.
Nagpaalala pa ang DOH sa lahat na ang sakit na hypertension ay maaaring maagapan sa pamamagitan ng healthy lifestyle at habits gaya ng proper diet at pagi-ehersisyo.
Siguraduhin din na regular ang check-ups at komonsulta sa inyong physician para masuri mula sa iniindang sakit.