-- Advertisements --

Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, nag-request na ang DOH para rito noong Abril at hinihintay na lamang sa ngayona ng tugon dito ng Department of Budget and Management (DBM).

Kamakailan lang, ilang grupo ng mga health workers ang nagbanta na sila ay magsasagawa ng mass resignation kasabay nang apela sa release ng kanilang mga benefits.

Pero ayon kay Vergeire, ang release ng mga benepisyo ng mga health workers na ito ay kailangan munang dumaan sa wastong proseso.

Hunyo 30 nang ibinaba ng DOH ang P9 billion na pondo sa kanilang regional offices at mga ospital para sa SRA ng mga health wrokers.