Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kasali sa kanilang rekomendasyon sa pamahalaan ang pagbubukas muli ng gym and fitness facilities kaugnay ng ipapatupad na minimum health standard.
Kabilang kasi sa apat na standard na itinalaga ng DOH ang “increase resilience” o pagpapalakas ng resistensya sa pisikal at mental.
Kaakibat daw nito ang page-ehersisyo at pagkain ng masusustansyang pagkain para hindi agad dapuan ng sakit.
“Wala pong rekomendasyon ang DOH sa ngayon tungkol sa pagbubukas ng mga gym o fitness centers.”
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi ibig sabihin na nag-rekomenda ang kagawaran sa publiko ng regular exercise ay dapat na ring lumabas o magtungo sa mga establisyemento.
“Sa tuwing iminumungkahi po namin na mag-exercise para palakasin ang ating resistensya, ang ibig po namin sabihin dito ay ehersisyo sa loob ng ating bahay hangga’t makakaya.”
Iginiit ng opisyal na kabilang ang mga pasilidad tulad ng fitness centers na sakop ng Inter-Agency Task Force guidelines na mananatili munang nakasara.
“Ayon na nga po sa IATF guidelines natin tungkol sa General Community Quarantine, isa po ang mga fitness centers sa mga dapat manatilingnakasara dahil sa posibilidad na baka doon po kumalat ang impeksyon.”