-- Advertisements --

Mawawalan nang pagkakataon na makapagpabakuna ang ilang mga Pilipino sakaling matuloy ang pagbibigay ng booster shots sa harap nang unstable na supply ng COVID-19 vaccines ng bansa, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ngayon, iginiit ni Vergeire na ang kinukonsidera ng pamahalaan ay ang pagkakaroon ng “equity” kasabay nang pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng samabayanang Pilipino.

Bukod dito, wala pa aniyang pinal na rekomendasyon ang vaccine expers sa bansa hinggil sa kung sino ang dapat na mabigyan ng booster shots, kung gaano kadalas ito dapat ibigay, at kung anong mga brands ang dapat na bilhin.

Paglilinaw ni Vergeire, hindi sinasara ng Department of Health (DOH) ang pintuan hinggil sa usapin na ito.

Sa katunayan, mayroon aniyang naipon na pera para sa booster shots sa 2022 kung sakali, at nakalagay ito sa kanilang panukalang pondo na kasalukuyang tinatalakay naman sa Kamara.

Nauna nang sinabi ng Department of Budge and Management (DBM) nna wala pa silang nakikitang pondo para sa pagbili ng booster shots sa susunod na taon.