Tinalakay ng Department of Health (DOH) kasama ang World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang mga planong palakasin ang child immunization rate sa Ph sa isang naganap na stakeholder’s summit.
Sinabi ng DOH na nagsilbing daan din ito upang matiyak ang mga pangako ng publiko at magpakilos ng mga karagdagang mga resources upang matulungan ang DOH na mapabilis ang mga reporma sa fiscal and legislative reforms, local government action, cold chain and supply chain management, pati na ang pagpapabuti sa vaccine program management.
Tinalakay ng mga kalahok ang mga kinakailangang reporma sa pagbabakuna tulad ng pag-amyenda sa Immunization Law, pagtaas ng mga pamumuhunan sa pagpapalakas ng primary health care bilang isang pangunahing plataporma para sa mga serbisyo ng pagbabakuna.
Gayundin, ang pagpapalakas ng pangunahing sistema ng kalusugan tulad ng human resources at digitalization, mas malalim na pakikilahok ng mga lokal na punong ehekutibo , pagpapalakas ng supply chain, at pagpapaigting ng mga aktibidad sa komunikasyon, bukod sa iba pa.
Ibinahagi rin ang pinakamahuhusay na kagawian, tulad ng tagumpay ng Lungsod ng Maynila sa pag-abot sa mga mahihinang populasyon, at isang inisyatiba na pinamumunuan ng kabataan upang isulong ang pagbabakuna ng mga bata sa panahon ng COVID-19.
Ayon kay DOH Sec. Teodoro Herbosa, muling pinagtitibay ng DOH ang kanilang pangako na wakasan ang pagkalat ng mga sakit na maiiwasan sa paraan ng bakuna sa mga bata.
Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga bata at kanilang mga magulang na magkaroon ng regular na pagbabakuna, binibigyan din ng departamento ang mga bata ng karagdagang layer ng proteksyon laban sa mga sakit.