-- Advertisements --
Dapat maipaalala sa mga Pilipino ang kanilang responsibilidad na protektahan ang soberaniya ng ating bansa.
Ito ang inihayag ni Defense Seceretary Gilbert Teodoro kasabay ng pagunita ng ika-127 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ngayong araw, Disyembre 30.
Sinabi din ng kalihim na si Rizal ay isang visionary at patriot na na nagbigay inspirasyon sa iba na protektahan ang kalayaan sa pamamagitan ng mga salita at mithiin.
Hinimok din ni Sec. teodoro ang mga Pilipino na magkaisa sa pagprotekta sa ating ipinaglabang kapayapaan at kasarinlan.
Gayundin na nawa aniya’y manatili sa ating mga puso at diwa ang alab ng pagmamahala sa ating bayan at itaguyod ang dangal at tapang ng mga Pilipino.










