-- Advertisements --

Hindi natinag si Department National Defense (DND) Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa ipinataw na sanctions sa kaniya ng China.

Kasamang nagpataw mula sa Chinese foreign ministry office ang asawa at anak ng Kalihim.

Sila ay pinagbawalang makapasok sa mainland China, Hong Kong at Macau.

Ayon kay Teodoro na siya ay pinatawan ng sanctions dahil lamang sa pagsasabi ng katotohanan.

Ang mga mamamayan ng China at ilan sa sakop nila ay may matinding negatibong karanasan.

Pagtitiyak nito na ipagpapatuloy lamang niya ang paggawa ng kaniyang trabaho.

Magugunitang noong nakaraang buwan sa defense summit sa Singapore ay binatikos ni Teodoro ang iligal na aktibidad ng China sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.