-- Advertisements --
Inianunsyo ngayong hapon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na negatibo siya sa COVID-19 batay sa resulta ng isinagawang test sa kanya.
Magugunitang sumailalim sa COVID-19 test si Sec. Lorenzana at nag-quarantine matapos magpositibo ang kanyang staff na nakasama nito Subic, Zambales at sa Jolo, Sulu noong Lunes.
Inihayag ni Sec. Lorenzana na masaya ito sa resulta para makabalik-trabaho na ito sa labas lalo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.