-- Advertisements --
Nanawagan ang Department of Migrant Workers sa mga Pilipino sa Lebanon na samantalahin ang programa ng gobyerno para sa repatriation kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa lugar matapos ang mga serye ng airstrikes ng Israel.
Sa ngayon nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Lebanon, dahilan upang hikayatin ng pamahalaan ang boluntaryong pag-uwi ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
May ilang Pilipino umano na halos nadamay na sa mga pag-atake matapos tamaan ang kanilang pinagtatrabahuhan.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa Lebanon habang hinihikayat ang mga Pilipino roon na makipag-ugnayan sa gobyerno para sa posibleng pag-uwi sa bansa.
















