-- Advertisements --

Tumaas sa 91.35 percent ang disposition cases ng Department of Justice (DOJ) mula sa dating 78.3 percent kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa plenary deliberations ng Kamara sa 2021 budget ng DOJ, sinabi ni House Appropriations vice chairman Jonathan Alvarado na patuloy ang kagawaran sa mga hakbang para mapabilis ang pag-usad ng mga kaso.

Sinabi rin ni Alvarado na maging ang backlog cases mula sa 50 percent noong 2013 ay 32.4 percent na lamang ito hanggang noong 2019.

Ang conviction rate naman ay umakyat sa 88.65 percent noong nakaraang taon mula sa dating 68.3 percent noong 2013.

Resulta aniya ito nang patuloy na pagdagdag ng DOJ ng mga prosecutors na tututok sa mga kaso.Disposition rate ng DOJ, pumapalo sa 91.35% kahit may pandemya