Tinitignan na ring posibilidad ng Bulacan Provincial Police Office (PPO) ang pagiging mastermind ng isang dismissed na pulis na hindi umano’y lider ng isang gun for hire syndicate sa naging pagpaslang at pamamaril sa ABC President na si Ramil Capistrano sa Bulacan.
Ayon kay Bulacan PPO Durector PCol. Angel Garcillano, lumalabas sa imbestigasyon na miymebro ng gun for hire group ang mga suspek na nasa ilalim ng pamumuno ng naturang pulis na siyang biglang nag-AWOL matapos na lumabas ang warrant mula sa korte.
Natukoy ang posibilidad na ito matapos na maresto ang isa sa apat na suspek na siyang nagsilbi umanong driver ng isa sa mga gunman.
Samantala, patuloy naman na tinutukoy ang motibo sa krimen na tinitignan na posibleng may koneksyon sa trabaho ng biktima at sa posibilidad ng pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng panig ng suspek at ng biktima.