CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang disaster response Relief operation ng ng 5th Infantry Division Philippine army para sa mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na nagpapatuloy ang kanilang disaster response relief operation sa Abra at tinututukan nila ang road clearing operation sa apat na pangunahing kalsada na nanatiling hindi madaanan.
Nagdeploy na sila ng engineering units at heavy equipment upang mapabilis ang ginagawang clearing operations.
Sa tulong ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan at NGO’s ay unti unting naibabalik sa normal ang sitwasyon sa Abra dahil sa agarang pagpapaabot ng tulong sa mga pamilyang nanatili sa Evacuation centers.
Gumagamit na rin ngayon ang Militar ng ilang air assests mula sa Tactical Operation Group 1 and 2 sa paghahatid ang mga relief packs sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng Lindol.
Malaking tulong rin ngayon ang nasa 240 personnel ang 5th ID kabilang na rin ang ilang CAFGU sa kanilang relief operations katuwang ang 102nd Infantry Battallion na bagong unit ng 5th ID.
Pangunahin pa rin sa mga kailangan ng mga residente sa Abra ang food items, at non food items kabilang ang hygiene kits.
Tuloy tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang ahensiya maging sa lokal na pamahalaan sa Abra upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente.
Mananatili ang militar sa probinsiya hanggat hindi bumabalik sa normal ang sitwasiyon sa Abra .
Hindi na rin nadagdagan ang bilang ng mga nasawi at huling naitala ang walong indibiduwal habang nasa 163 ang naitalang nasugatan.