-- Advertisements --
Pinangunahan ni US Vice President JD Vance ang direktang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Iran.
Isinagawa ang nasabing pag-uusap sa Pakistan na siyang unang pagkakataon na ang dalawang bansa ay nagkaharap mula pa noong 1979.
Kasama ang Pakistan bilang mediator sa pamumuno ng kanilang Prime Minister na si Shehbaz Sharif at rmy chief, Field Marshal Asim Munir.
Habang kasama ng US Vice President sina special envoy Steve Witkoff at manugang ni US President Donald Trump na si Jared Kushner.
Inaasahan na matatapos ang pag-uusap ng hanggang araw ng Linggo.
Magugunitang makailang ulit na nanawagan si US President Donald Trump sa Iran na tumugon na sila sa ceasefire para subalit patuloy ang pagmamatigas nito ng Iran.
















