-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Dindo, habang papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 470 km sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na ng bagyong ‘Dindo’ ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Sa ngayon, isa na itong severe tropical storm at kumikilos nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan sa layong 570 km sa silangan timog silangan ng Davao City.
Maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo, ngunit maghahatid ng ulan sa ilang parte ng Mindanao.










