-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ng actress na si Dimples Romana matapos na umabot sa mahigit 4 milyon ang followers niya sa Instagram.
Sa nabanggit na photo-sharing app ay nagpost ang actress ng larawan nito kung saan isa umano regalo sa kaniyang ika-38 kaarawan ang nasabing pag-abot niya ng bilang ng mga followers.
Pinasalamatan nito ang mga followers at mga fans dahil sa walang sayang pagtangkilik sa kaniyang social media at mga shows.
Kasalukuyan kasing nasa New York City ang actress para maging representative ng bansa bilang juror ng international Emmys.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naging juror ang actress dahil sa noong Hulyo 2020 ay naimbitahan na rin siya sa 48th International Emmy Awards.