-- Advertisements --
DILG benhur abalos quake

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na kumpiyansa siya na ang pangmatagalang problema ng overcrowding sa mga kulungan sa buong bansa ay malapit nang matugunan kapag natuloy ang national jail decongestion summit.

Ginawa ni Abalos ang anunsyo matapos imungkahi ang panukala kasunod ng pagbisita ni Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo kamakailan sa Pasay City Jail.

Sinabi ni Gesmundo na ang summit ay lalahukan ng mga major stakeholders at players sa pangunguna ng SC, DILG at ang attached agency nito, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Inilarawan ni Abalos ang summit bilang isang makabuluhang hakbang patungo sa pagtugon sa patuloy na issue ng pagsisikip ng kulungan sa bansa.

Nakikita rin ni Abaos ang hakbang bilang isang pagkakataon para sa lahat ng mga stakeholder na magsama-sama at magtakda ng isang kurso tungo sa mas epektibo at pantay na mga gawi sa pagkakakulong na maaaring humantong sa makabuluhan at pangmatagalang mga reporma

Aniya, malugod na nakikibahagi ang DILG sa paninindigan ng Supreme Court na matugunan ang pagsisikip sa mga piitan sa buong bansa.