-- Advertisements --
DILG benhur abalos quake

Inihayag ni Interior and Local Government chief Benjamin Abalos Jr. na pabor siya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga gurong umatras sa pagsisilbi bilang poll watchers sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ito aniya ay kung hindi wasto sapat ang kanilang mga dahilan.

Ang pahayag ay inilabas ni Abalos nang tanungin kung sinusuportahan niya ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na habulin ang mga guro na umano’y umatras sa BSKE sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Abalos, pinaghandaan ng iba’t-ibang ahensya upang maidaos ng mapayapa ang lokal na halalan sa tulong sana ng mga guro na magsisilbi.

Nilinaw niya na sinusuportahan lamang niya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tagapagturo kung hindi wasto ang kanilang mga dahilan sa pag-back out.

Giit ni Abalos na dapat ding tignan at pag-aralan ng komisyon ang mga dahilan ng mga umatras na guro.