-- Advertisements --

‘Confidential’ kaya hindi na idinetalye pa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang anunsyo na nakatakda nilang gawin sa susunod na linggo na may kinalaman sa “war on drugs” pero inihahanda na umano ang lahat ng kinakailangan.

Ito ang inilabas na mensahe ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Negros Oriental at Cebu nitong Martes, Disyembre 27 kasama si Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr.

Nagbigay ng mahigpit na utos si Abalos sa pulisya na puksain ang ilegal na droga, e-sabong, lahat ng uri ng kriminalidad, at wakasan ang mga pagpatay sa Negros Oriental.

Gayunpaman, dapat pang pahalagahan ang buhay ng tao sa paglaban ng mga ito kahit gaano pa man kabigat ng kanilangnagawang kasalanan..

Samantala, umaasa ang opisyal na gawin ng mga pulisya dito ang kanilang mga trabaho, lalo na sa paglaban sa iligal na droga at hinikayat na manatiling tapat sa kanilang mga tungkulin.