-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG-12) na masusi nilang iimbestigahan ang usapin ng pagkakabilang umano ng asawa o mga kaanak ng isang barangay official sa makakatanggap ng tulong mula sa social amelioration program.

Ito’y matapos nasali umano sa listahan ang misis at dalawang kapatid ng isang barangay kapitan sa listahan sa makakatanggap umano ng naturang benepisyo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay DILG-12 information officer designate Arthur Condes, nilinaw nito ito babalewalain at kanila itong iimbestigahan.

Iginiit nitong may pananagutan ang sinumang barangay official na kasama ang pangalan ng kaniyang mga kaanak sa mga benipisaryo ng SAP.

Maaari rin umanong masampahan ng kaso ang mga barangay official na lalabag dito sa pamamagitan ng imbestigasyon at isasampang reklamo sa sangguniang panglungsod.