-- Advertisements --

Aminado ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi pa handa ang gobyerno para ikampanya ang panukalang pagpapalit ng Saligang Batas patungong federalism.

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya, nasa gitna pa rin ng diskusyon ang Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform (IATF).

“Hindi pa puwedeng ikampanya… We are not yet ready because there are ongoing discussions in the task force created by the President,” ani Malaya.

Sa nakaraang Kongreso, nakalusot sa Kamara ang panukalang Charter Change.

Pero nanindigan ang buong Senado sa pagtutol dito.

Ayon kay Malaya, plano pa ring isumite ng task force ang panukalang federal constitution kay Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon.

Sa ngayon ang tanging nagiging balakad daw ng task force sa proposed federalism ay economic cluster na may agam-agam umano sa panukala.

“Meron sila, the DBM (Department of Budget and Management), NEDA (National Economic and Development Authority) and DOF (Department of Finance) all have reservations about this.”