-- Advertisements --

Matapos ang ika-11 sunod-sunod na linggo ng taas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan daw ang malakihang rollback sa susunod na linggo sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Base raw sa data ng oil trading sa nakalipas na apat na araw sa Mean of Platts Singapore posibleng pumalo sa P12.51 ang bawas sa presyo ng produktong diesel.

Habang ang gasolina ay may tapyas ding P6.57 kada litro.

Pero subject pa rin umano ang pirice adjustment sa resulta ng trading ayon sa kaparehong source.

Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad naman sa araw ng Martes.