-- Advertisements --

Pumanaw na ang Allman Brothers Band co-founder at legendary guitarist na si Dickey Betts sa edad na 80.

Kinumpirma ito ng kaniyang manager na si David Spero kung saan nalagutan siya ng hininga sa bahay nila sa Osprey, Florida.

Dagdag pa ni Spero na matagal ng lumalaban sa cancer at mayroon din ito ng chronic obstructive pulmonary disease.

Naglayas sa bahay nila si Betts noong edad 16 pa lamang at sumali sa circus bago naging gitarista ng banda.

Isa sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Ramblin” man kung saan binigyan siya ng pagkilala sa Rock & Roll Hall of Fame.