Naniniwala ang OCTA Research group na posibleng hindi na gumagana ang enhanced community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong patuloy pa ring tumataas ang bilang ng COVID-19 infections o hindi kaya ay mas agresibo kaysa inaasahan ang Delta coronavirus variant.
Kahapon, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na 14,249 ang na bagong COVID-19 case ang naitala, mas mataas sa 13,777 na naitala naman sa nakalipas na araw.
Ayon sa OCTA Research group, ang reproduction rate sa Metro Manila, na nasa ilalim ngayon ng ECQ, ay tumaas sa 1.85 kahapon lamang mula sa 1.78 dalawang araw ang nakaraan.
Sa buong bansa, pumalo ang reproduction rate sa 1.45.
Ayon kay Dr. Guido David, ang pagtaas ng reproduction numbers na ito ay indi inaasahan ng kanilang grupo na mangyari makalipas ang isang linggo na ECQ.
Pero matatatndaan naman aniya na mula Agosto 7 hanggang 13, o sa unang linggo ng ECQ, tumaas ng 50 percent ang seven-day average ng mga bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa 2,901 mula sa 1,930 noong nakaraang linggo.