-- Advertisements --

Handa umano ang gobyerno ng Pilipinas na sagutin ang medical expenses ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japanese cruise ship na Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez na hindi pa rin naman malinaw kung Japanese government o ang employer ng may 27 Pinoy crew members ang babalikat ng kanilang pagpapagamot.

Ayon kay Asec. Menez preparado naman ang ating pamahalaang umayuda sa mga kababayan kung sakali mang walang matanggap na assistance mula sa kanilang employer at Japanese government.

Nasa 538 mga Pilipino ang sakay umano ng Diamond Princess na sinasabing inaayos na rin ang pagbabalik sa Pilipinas.