-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 18,380 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) habang nasa ibang bansa.

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), 23 ang naitalang bagong kaso ng Pilipinong nahawaan ng COVID-19.

Sa ngayon mayroon pang 5,959 na active cases o nagpapagaling.

Nadagdagan naman ng apat na bagong gumaling, kaya ang total recoveries ng naturang populasyon ay nasa 11,274 na.

May dalawa ring naitalang bagong namatay, para sa 1,147 total deaths.

Ayon sa DFA, mula sa 94 bansa at teritoryo ang mga naitalang kaso ng COVID-19 cases sa mga Pilipino abroad.

Pinakaraming populasyon ng Pilipino ang tinamaan ng coronavirus sa Middle East/Africa na nasa 10,453.

Sumunod ang Asia-Pacific region na nasa 3,591; Europe na nasa 3,356; at The Americas na nasa 980 cases.