Nakatakdang iaanunsyo bukas ni Pangulong Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon kaugnay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung itutuloy o hindi muna ang panukalang bawasan ang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakabuo na ng resolusyon ang IATF kahapon sa kanilang pagpupulong at isusumite ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte ngayong araw.
Ayon kay Sec. Roque, mismong si Pangulong Duterte ang mag-aanunsyo bukas sa kanyang magiging desisyon.
Tumanggi pa naman si Sec. Roque na sabihin kung ano ang rekomendasyon ng IATF.
Magugunitang umani ng pagkontra ang nasabing panukala lalo mula sa hanay ng mga eksperto dahil delikado raw ito at lalong magpapadami sa kaso ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Maging sa hanay ng IATF ay nagkakaroon ng magakakaibang posisyon sa nasabing pagbabawas ng distansya ng mga pasahero sa .75 metro mula isang metro na kasalukuyang ipinatutupad.