-- Advertisements --
NGCP

Kasalukuyan nang isinasapinal ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang binubuo nitong desisyon ukol sa hirit ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na dagdag singil sa mga consumer.

Maalalang inihain ng NGCP ang isang petsisyon na humihiling na ipataw sa mga consumer ang dagdag na bayarin bilang kapalit sa P387 billion-revenue.

Ito sana ay sisingilin sa pamamagitan ng tinatawag na pass-on charge sa mga konsyumer ng kuryente.

Pero sa inisyal na partial review na inilabas ng ERC, ang P387 billion-revenue na siyang inihihirit ng NGCP ay masyadong mataas dahil mahigit P184 billion lamang ang inaprubahang revenue ng NGCP.

Tinanggal umano dito ang mga advertising expenses, COVID donations, at bonus ng mga empleyado ng NGCP na hindi dapat ipinapasa sa mga konsyumer.

Ayon sa ERC, posibleng ilalabas na bago matapos ang kasalukuyang taon ang pinaplantsa nilang allowable revenue, kassama na ang nirepasong rate reset ng NGCP.