Pinuri ng OCTA Research group ang pamahalaan dahil sa desisyon nito na muling magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region mula Agosto 6 hanggang 20.
Sa isang statement, sinabi ng OCTA na suportado nila ang desisyon ng national government bilang precautionary intervention para mapigilan ang pagsipa ng COVID-19 cases.
Ngayon pa lang kasi aniya ay malaking hamon na para sa pamahalaan kung paano mababaligtad ang surge sa COVID-19 sa NCR.
Kaya naman hinihimok nila ang mga local government units, private sector, at mga komunidad sa Metro manila na magtulungan sa pagpapatupad ng mga istratehiya para maiwasan na lumala pa ang surge.
Nanawagan din sila sa publiko na sundin ang regulasyon na inilatag ng iba’t ibang local government unit hanggang sa katapusan ng ECQ sa Agosto 20.