-- Advertisements --

Matapos ang panunumpa ni dating Court Administrator Jose Midas Marquez bilang mahistrado ng Korte Suprema ay mayroon nang itinalaga ang kataas-taasang hukuman na ipapalit sa kanya.

Sa Memorandum Order No. 108-2021 na pirmado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo, itinalaga nitong Officer-In-Charge sa Office of the Court Administrator (OCA) si Deputy Court Administrator Raul B. Villanueva.

Gagampanan nito ang kanyang trabaho kapag natanggap na ang Memorandum Order hanggang sa maging regular na Court Administrator o hanggang sa mayroong bagong direktiba ang SC.

Kung maalala, kahapon nang pormal nang nanumpa bilang bagong mahistrado ng kataas-taasang hukuman si Marquez.

Nagsilbi itong court administrator mula noong taong 2010 hanggang sa italaga kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagong SC justice.