CEBU CITY – Nagbaril sa sarili ang isang deputy chief of police ng Talisay City Cebu PNP matapos din nitong binaril at napatay ang sinasabing kanyang karelasyon sa loob mismo ng Police Community Precinct.
Kinilala ang pulis na si Lieutenant Praxilo Albiso, habang kinilala naman ang karelasyon na si Vernice Cardino.
Iniulat ni Major Gerard Ace Pelare, ang hepe ng Talisay PNP, base na rin sa pahayag ng mga saksi, wala naman daw komosyon sa loob ng opisina ng nasabing pulis, ngunit bigla na lang umanong umalingawngaw ang apat na putok ng baril.
Nakita na lang ng mga rumespondeng pulis ang duguang katawan ng dalawa na wala ng buhay.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang pulis dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Anila, may personal na problema si Lt. Albiso, ngunit hindi na idinetalye [a ng hepe kung ano ito.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring krimen.