-- Advertisements --
image 53

Hindi sususpendihin ng Department of Education (DepEd) ang mga klase para sa inaasahang malawakang transport strike sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ni DepEd spokesperson Michael Poa.

Sa halip aniya ang mga hindi makakadalo sa face to face classes dahil sa inaasahang tigil pasada ng ilang public utility vehicles ay papahintulutan ng ahenisya ang pagsasagawa ng Alternative Delivery Modes kabilang ang online classes at modules.

Una rito, marami ng mga paaralan ang nag-anunsiyo ng kanilang pansamantalang pagpapatupad ng online learning sa kasagsagan ng inaasahang transport strike mula sa Lunes, Marso 6 hanggang 12.

Aabot sa 40,000 jeepney at UV express drivers ng Alliance of Concerned Transport Organizations, Manibela, at Piston ang inaasahang sasama sa pagwewelga.

Ito ay kaalinsabay na rin sa kanilang mariing pagtutol para sa planong pag-phaseout ng mga tradisyunal na dyip bilang hakbang tungo sa PUV modernization program ng gobyerno.

Top