-- Advertisements --

Binigyang linaw ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na na-realign na sa voucher program ang hiling ng Department of Education (DepEd) para sa confidential funds.

Paliwanag ng kalihim na nilagay ang confidential funds ng DepEd sa school voucher system at iba pang prayoridad na programa ng DepEd at mga proyekto nito.

Matatandaan na una ng humiling si VP at Education Sec. Sara Duterte ng mahigit P650 million na confidential funds para sa 2024 budget kung saan P150 million para sa DepEd at P500 million para sa Office of the VP.

Depensa noon ng DepEd na ang kanilang confidential funds ay gagamitin sa pagsugpo sa sexual abuse at iba pang uri ng karahasan, graft at korupsiyon, pagkakasangkot ng mga mag-aaral at personnel sa iligal na droga at recruitment ng rebeldeng grupo sa mga mag-aaral at iba pa.

Subalit iniurong din kalaunan ni VP Sara matapos na maging divisive issue ito.