Pinuri ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang mahusay na pagho-host ng Indonesia ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Tourism Forum 2023.
Ito ay ang pinakamalaking pagtitipon ng mga tourism leader at mga professional sa industriya mula sa mga bansa sa Southeast Asia ngayong taon.
Pinasalamatan ni Frasco ang host country sa pagtanggap sa delegasyon ng Pilipinas nang may init at kagandahang loob.
Dagdag dito, iminungkahi pa ni Department of Tourism Christina Garcia Frasco ang pagpapahusay ng connection sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang mga direktang flight sa labas ng pangunahing gateway ng ating bansa.
Sa kabilang banda, ipinarating ni Indonesian Minister Uno ang kanyang hangarin na magsagawa ng Memorandum of Understanding (MOU) on Tourism Cooperation with the Philippines para magkaroon ng magkasanib na collaboration at promotion para sa pagpapaunlda ng turismo ng dalawang bansa.