-- Advertisements --
dswd 3

Tiniyak ng pamahalaan na mas mabilis na ang pag-aasikaso ng pamahalaan ang pagpaparehistro ng Birth Certificate ng lahat ng mga katutubo sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Memorandum of Agreement para sa Indigenous People’s Birth Registration.

Pinangunahan ng kalihim ng Department of Social Welfare and Development Secretary at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Division Chief Ma. Victoria Formento, Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant National Statistician Marizza Grande, at Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Alfredo Bayan ang isinagawang ceremonial signing.

Ayon sa DSWD, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masolusyunan ang kawalan ng Birth Certificate ng maraming katutubo lalo’t kadalasang nagiging dahilan ito kung kaya laging napag-iiwanan sa mga libreng programa ng pamahalaan ang mga nasa IP community.

Hangad niya ng kasunduang ito na magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga Indigenous People.

Ito rin ay magbibigay daan upang sila ay magkaroon ng pantay na karapatan bilang Pilipino gaya ng edukasyon at makatanggap ng lahat ng serbisyo at programa mula sa gobyerno.