-- Advertisements --
dswd 3

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na nakahanda na ang mga ito na magbigay ng kanilang serbisyo para sa mga lugar na aapektuhan ng bagyong Rosal.

Sa ngayon, ayon sa DSWD ay nakaalerto na ang mga ito ay handang magbigay ng technical assistance at handang magbigay ng augmentation sa lahat ng local government units (LGUs) dahil na rin sa posibleng epekto ng Tropical Depression Rosal sa bansa.

Inatasan na rin daw ng kalihim ng DSWD ang kanilang mga fielf offices na maghanda para sa ano mang posibleng epekto ng weather disturbance bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat ay proactive ang magiging tugon ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyo sa loob ng 24 oras.

Sa isinagawang pagpupulong noong nakaraang linggo, nagbigay na rin ng update ang mga DWSD regional directors kaugnay ng kanilang paghahanda kabilang na ang available standby funds at stockpiles ng pagkain at non-food items maging ang status ng kanilang pag-preposition sa mga food packs at items sa iba’t ibang lokalidad.

Sa ngayon, ang DSWD Central Office (CO), field offices at National Resource Operations Center (NROC) ay mayroon nang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng P1.4 billion habang nasa 547,000 family food packs naman ang available para sa augmentation ng resources ng mga LGUs.

Samantala, nakapagbigay na rin ang DSWD provided ng tulong sa mga stranded individuals sa Port Pasacao sa Camarines Sur.

Muli namang hinikayat ng DSWD ang ating mga kababayan na maging alerto at laging sumunod sa direktiba ng mga local officials para masiguro ang kanilang kaligtasan.