-- Advertisements --
DOST office Taguig

Plano raw ngayon ng Department of Science and Technology, (DOST) chief na makipag-partner sa mga local businesses para mahikayat ang mga scientists at mga kabataan na magkaroon ng kaalaman sa pagiging entrepreneurs.

Kasunod na rin ito ng plano ng Department of Science and Technology (DOST) na pagbibigay ng science-and-technology-program scholars na mayroong kasamang entrepreneurship training.

Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr., ang naturang hakbang ay para ma-expose daw ang mga scientists sa bansa sa entrepreneurs gaya ng mga scientist sa ibang bansa.

Sa science and technology, ang focus daw ay engineering at math kaya nais daw ni Solidum na magkaroon sila ng training ng entrepreneurship para hindi lang science ang kanilang nakikita.

Sa pamamagitan daw nito ay magkakaroon sila ng idea at sila ay magiging scientists na pwede ring maging entrepreneurs dahil ito raw ang kailangan ng bansa.

Una rito, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino scientists at researchers na manatili sa bansa dahil malaki silang tulong na partner ng bansa para sa nation-building.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na dapat ay makipag-partner ang mga scientists at researchers sa national government at i-dedicate ang kanilang mga skills para mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pinoy at makatulong sa bansa.

Dagdag ng Pangulo, dapat daw ay ang national government ang magbibigay ng direksiyon sa science at development field para ang research output ay pakikinabangan ng mga magsasaka at mga negosyante maging ng mga Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at sa lahat ng nga citizen.