Nakipag-partner ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Japanese experts para malinang ang disaster resiliency projects ng bansa.
Pinangunahan ni DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain ang unang joint coordinating committee meeting para sa Japan International Cooperation Agency (JICA), ang Technical Cooperation Project for Capacity Development sa Coastal Engineering for Disaster Resiliency.
Sinabi ng DPWH official na nangako ang Japanese experts ng pagbabahagi ng kanilang karanasan sa coastal engineering at nangako din na kanilang sasanayin ang mga DPWH personnel sa pagplano at pag-desinyo ng mga struktura sa coastal areas.
Tutulong din ang mga Japanese experts na pag-aralan kung paano malilinang ang ating umiiral na mga batas at polisiya para mapunan ang mga gap sa disaster management.
Napag-usapan din ang mga isyu sa erosion, flooding at pinsala sa coastal infrastructures sa Luzon at Visayas regions base sa kanilang isinagawang surveys at pagbisita sa mga site kamakailan.