
Todo ngayon ang pasasalamat ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge, Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa suporta ng Australia sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa 200 mile exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Ito’y sa courtesy call kay Usec. Faustino ni Australian Ambassador to the Philippines H.E. Hae Kyong “HK” Yu, nitong Lunes sa DND building sa Camp Aguinaldo.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na mahalaga ang “rules based order” sa karagatan para sa seguridad at kaunlaran ng Indo-Pacific Region.
Nagpahayag naman ng suporta si Faustino sa Australia-United Kingdom-United States (AUKUS) security arrangement.
Kapwa naman ikinalugod ng dalawang opisyal na nanatiling matatag ang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia sa gitna ng pandemya, at nagkasundo ang dalawa na isulong ang iba pang potential partnership.










