-- Advertisements --
image 131

Agad nilinaw ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang planong pagtatayo ng mga overseas labor offices sa Europe para maprotektahan ang karapatan ng mga Pinoy doon.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na ang pagtatayo nila ng mga labor offices sa ibayong dagat ay kapag magkakaroon na raw sila ng pondo sa susunod na taon.

Sinabi ni Ople na sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng Department of Migrant Workers kung saan nila ilalagay ang karagdagang Philippine Overseas Labor Offices (POLO).

Maliban dito, makikipag-partner na rin umano ang Department of Migrant Workers sa sa trade department at business advocacy group Go Negosyo para mahanapan ang mga Pinoy ng alternatibong pagkakakitaan sa bansa para mahikayat ang mga itong hindi na bumalik sa ibang bansa para magtrabaho.

Base naman sa website ng Philippine Overseas Labor Offices mayroong pitong labor offices sa Europe.

Matatagpuan ang mga ito sa Nicosia, Cyprus; Athens, Greece; Berlin, Germany; Milan, Italy; Rome, Italy; Madrin, Spain at London, UK.

Kabilang naman sa serbisyo ng Philippine Overseas Labor Offices ang pagproseso sa mga aplikasyon, overseas employment certificate at membership sa Overseas Workers Welfare Administration.