-- Advertisements --
DOJ

Kailangan daw munang makakuha ng mga beripikadong impormasyon ang Department of Justice (DoJ) bago magkomento sa sanctions ng United States Treasury kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot ni Quiboloy sa corruption at human rights abuses.

Kasama rin sa sanctions ng US Treasury ang 40 iba pa na sinasabing sangkot sa “corruption at human rights abuse.”

Sa isang statement, sinabi ni DoJ spokesperson Mico Clavano na masyado pa raw “pre-mature” para sa ahensiya na magkomento sa isyu.

Aniya, kailangan pa raw pag-usapan ang ins at outs ng sanctions laban kay Pastor Quiboloy.

Maliban dito, sinabi rin ni Clavano na kailangan nila ang advise ng mga legal experts ng Amerika saka sila gagawa ng hakbang.

Sa kabila nito, sinabi naman ng tagapasalita ng Justice department na suportado nila ang pagsisikap ng US Treasury sa kanilang ginagawang pagprotekta sa Human Rights at ang pagsugpo sa corrupt practices.

Kung maalala, sa isang press release na may petsang Disyembre 9, pinangalanan ng US Treasury si Quiboloy kasama ang 40 na iba pang personalidad mula sa North Korea, El Salvador, Guatemala, Guinea, Iran, Mali, Russia at China na umano’y sangkot sa mga aktibidad na may kaugnayan sa corruption at human rights abuses.

Ang naturang sanction ay inanunsiyo kasabay ng Human Rights Day at International Anti-Corruption Day.

Sinabi ng US Treasury alleged na sangkot umano si Quiboloy sa “serious” human rights abuses at ang panggagahasa sa mga batang kababaihan na may edad 11 taong.

Kasama rin sa mga paratang si Pastor ang physical abuse.

Kung maalala, noong November 2021, ay indicted ang pastor sa mga charges ng conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion, sex trafficking of children, sex trafficking by force, conspiracy at bulk cash smuggling.

Dahil naman sa mga charges ay inilagay ito ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kanilang most wanted list noong buwan ng Pebrero.

Labis namang ikinagulat ng abogado ni Quiboloy ang deklarasyon ng US Treasury Department.

Sinabi ng legal team ng pastor kabilang na si KOJC general counsel Michael Jay Green, personal legal counsel Manny Medrano at abogadong si Ferdinand Topacio na nagkaroon ng lack of due process ang US sanctions sa kanilang kliyente.