-- Advertisements --
image 149

Mariing tinutulan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang panukalang ma-decriminalize ang paggamit ng droga.

Sinabi ng kalihim na hindi ito makakatulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa kampanya nito sa illegal drugs.

Ang pahayag ni Abalos ay kasunod na rin ng naging panukala ng isang senador na i-decriminalize ang paggamit ng illegal drugs para ma-decongest ang mga piitang at matugunan ang problema sa drug addiction bilang health issue.

Para kay Abalos, dapat ay mangibabaw pa rin ang batas at kung bawal ay kailangang huliin.

Kasunod nito, tiniyak naman ni Abalos na lilinisin nito ang law enforcement units dahil na rin sa napaulat na pagbabalik na naman ng mga ninja cops na sinasabing bahagi ng drug syndicates.

Hiniling naman ni Abolos ang tulong ng publiko para maresolba ang naturang problema.